Bangka
Tayo'y mga bangka Mga manlalayag Minsan tayo ang dumadaong Minsan tayo ang nakaabang Minsan tayo ang tiga-hatid sa pumapalaot Minsan tayo ang tumutungo paalis Pumaroon, pumarito Sana wag malimot na tayo'y umiikot sa iniwan at nangiiwan Hindi madidikta Kung hanggang kailan Pansamantala ba O mas matagal pa Ngunit lagi't laging Matutong yakapin Ang ngayon higit pa sa dati at mga inaasam na parating Kaya't sambitin "Napadaan ka, salamat."