Bangka
Tayo'y mga bangka
Mga manlalayag
Minsan tayo ang dumadaong
Minsan tayo ang nakaabang
Minsan tayo ang tiga-hatid sa pumapalaot
Minsan tayo ang tumutungo paalis
Pumaroon, pumarito
Sana wag malimot na tayo'y umiikot sa iniwan at nangiiwan
Hindi madidikta
Kung hanggang kailan
Pansamantala ba
O mas matagal pa
Ngunit lagi't laging
Matutong yakapin
Ang ngayon higit pa sa dati at mga inaasam na parating
Kaya't sambitin
"Napadaan ka, salamat."

Comments
Post a Comment