Sana

Sa bawat pag sulong ano ba ang makakamit?
Sa bawat pakikibaka ano ba ang napapala?
Meroon bang nakikinig, o sila ay tulog lang.
Ang bawat sigaw, hinagpis at pag-luha
Ano nga bang ang mararating, hindi sana wala.

Sigaw ng pag-laya ng puso na naaapi.
Pag tangis sa tuwi-tuwina kelan kaya ang huli?
Saan ba hahantong and aking mga sigaw?
Saan na kakanlong ang pagod kong katawan?
Meron kayang dulong ang ating pag laban? Sana meron naman

Mga dugo at pawis ng aking inialay
Ang gutom at puyat sa tuwina ay kaagapay
Saan ba ako tatayo sa kinabukasan
Sa buhay kong ito may pagbabago bang masisilayan?
Sa pag tunog ng kampana sana ay may masumpungan.

Comments

Popular posts from this blog

Bangka

Kay Hirap Maging Pantas