Sana nga
Pilit inaalam ang, pwersa ng kalawakan
Sagot sa mga tanong, nais kong malaman
Bakit nga ba, kailangang mag dusa,
ipagkait sa sarili, tulog at kapahingahan
Ang pangangarap ko, may dulot naman kaya?
Para saan ba, ang bawat kong pasakit?
Ang mga luha ba, merong makakamit?
Laging hinahanap ang sarili sa kung saan
maliliit na bagay bakit di pa rin nakakamtan
Nakatingin sa malayo, taimtim na nagdarasal... Sana.
Comments
Post a Comment