Dapithapon
May kanya-kanyang sorpresang dala ang bawat dapithapon
Minsan awitin
Minsan tula
Minsan alaala
Minsan ligaya
Minsan tampo
Minsan tao
Minsang bagong tagpo
Minsan paglaho
Pero maging anuman iyon,
Mayroon at mayroong ngiting mamumitawi sa kabila ng tamis o pait
Makapangyarihan ang dapithapon
Kahit ang pinakamatalinong dalubhasa kaya niyang mapatulala at mapatula
Ang dapithapon ang panlayag sa kahapon at ngayon

Comments
Post a Comment