Paglingon habang Nagpapatuloy

Gaano katagal aking hihintayin?
Gaano kalayo aking lalakbayin?
Sa bawat luha ano ang napapala?
Sa bawat pighati may kapalit bang ligaya?

Kaya bang balikan mga bagay na naiwan?
Di pa ba ito napinid sa kawalan?
Tama ba ang ginawa? Ano ang mapapala?
Sa bawat pag lipas ako ba'y may nakuha?

Ang aking landasin ay tila madilim
Biglang maaalala kung saan nanggaling
Nagtanong sa sarili at naghihinaing
Tayo na at magpatuloy sa dulo'y may piging.

Bawat dusa at saklap susubukang kayanin.
Tatawid sa dagat at bulubundukin.
Muling babangon matapos humimbing
Ang bagong umaga haharaping magiting



Comments

Popular posts from this blog

Bangka

Sana

Kay Hirap Maging Pantas