Bakuna
Sa isang sulok ako ay nakaupo
Humihigop ng kape, nagbabasa nang malalim
Napalingon sa gilid, mga taong naka pila
May papel na dala, mga dokumento
Bata, matanda, sila ay ay naghihintay.
Nagdala ng pagkain, kanilang pinagsaluhan
Ako ay natutuwa, tunay na nagagalak,
Salamat sa desisiyon niyo, at pagtitiwala
Salamat sa pag tulong na pandemiya ay mawala
Comments
Post a Comment