Kay Hirap Maging Pantas
Kay sarap tingnan ang kadiliman ng gabi
Habang ang hangin buhok ko ay hinahawi
Nakatingin sa kalangitan, sa lawak ng kalawakan
Masarap isipin na ako ay tuldok lamang
Ang isip ko ba'y bukas upang maintindihan?
Ang tinatago nitong katotohanan
Saan ako tatayo, saan manggagaling
Sapat ba ang katalinuhan upang ito ay isipin
Hanggang kailan ko ito, kayang paglinangin.
Alam kong walang sagot, sa ngayon sa mga tanong
Habang nagmumuni, nag iisip, nagninilay
Dumarami lamang mga gustong malaman
Dahil sa bawat sagot, may tanong na lumilitaw.
Comments
Post a Comment