Posts

Bakuna

Sa isang sulok ako ay nakaupo Humihigop ng kape, nagbabasa nang malalim Napalingon sa gilid, mga taong naka pila May papel na dala, mga dokumento Bata, matanda, sila ay ay naghihintay. Nagdala ng pagkain, kanilang pinagsaluhan Ako ay natutuwa, tunay na nagagalak, Salamat sa desisiyon niyo, at pagtitiwala Salamat sa pag tulong na pandemiya ay mawala

Kay Hirap Maging Pantas

Kay sarap tingnan ang kadiliman ng gabi Habang ang hangin buhok ko ay hinahawi Nakatingin sa kalangitan, sa lawak ng kalawakan Masarap isipin na ako ay tuldok lamang Ang isip ko ba'y bukas upang maintindihan? Ang tinatago nitong katotohanan Saan ako tatayo, saan manggagaling Sapat ba ang katalinuhan upang ito ay isipin Hanggang kailan ko ito, kayang paglinangin. Alam kong walang sagot, sa ngayon sa mga tanong Habang nagmumuni, nag iisip, nagninilay Dumarami lamang mga gustong malaman Dahil sa bawat sagot, may tanong na lumilitaw.

Sana nga

Pilit inaalam ang, pwersa ng kalawakan Sagot sa mga tanong, nais kong malaman Bakit nga ba, kailangang mag dusa,  ipagkait sa sarili, tulog at kapahingahan Ang pangangarap ko, may dulot naman kaya? Para saan ba, ang bawat kong pasakit? Ang mga luha ba, merong makakamit? Laging hinahanap ang sarili sa kung saan maliliit na bagay bakit di pa rin nakakamtan Nakatingin sa malayo, taimtim na nagdarasal... Sana.

Respeto

Respeto daw ang sigaw nila Ang kanilang pag pili sa anak ng nag dambong Ang pangalay mababasa, sa desisiyon ng Korteng Suprema Inilalaban na kanila and pera Ang bilyong halaga na sa bayan ay kinuha. Kanilang sigaw, meron pang pagmumura Dilawan ka at bobo, isang tanga Ikaw ay nauto ng teacher mo sa school Di mo ba na isip na si Marcos ay cool Daming pinatayo, na ninakawan at pinangutangan Isa bang bayani, and iyong idol? Itanong natin kay Tibo Mijares Itanong din natin sa mga sa mga inabuso at pinatay Sila ba ang biktima? Tingin ko hinde Ang kawawang bayan, paano na lang?

Sana

Sa bawat pag sulong ano ba ang makakamit? Sa bawat pakikibaka ano ba ang napapala? Meroon bang nakikinig, o sila ay tulog lang. Ang bawat sigaw, hinagpis at pag-luha Ano nga bang ang mararating, hindi sana wala. Sigaw ng pag-laya ng puso na naaapi. Pag tangis sa tuwi-tuwina kelan kaya ang huli? Saan ba hahantong and aking mga sigaw? Saan na kakanlong ang pagod kong katawan? Meron kayang dulong ang ating pag laban? Sana meron naman Mga dugo at pawis ng aking inialay Ang gutom at puyat sa tuwina ay kaagapay Saan ba ako tatayo sa kinabukasan Sa buhay kong ito may pagbabago bang masisilayan? Sa pag tunog ng kampana sana ay may masumpungan.

Dapithapon

May kanya-kanyang sorpresang dala ang bawat dapithapon Minsan awitin Minsan tula Minsan alaala Minsan ligaya Minsan tampo Minsan tao Minsang bagong tagpo Minsan paglaho Pero maging anuman iyon, Mayroon at mayroong ngiting mamumitawi sa kabila ng tamis o pait Makapangyarihan ang dapithapon Kahit ang pinakamatalinong dalubhasa kaya niyang mapatulala at mapatula Ang dapithapon ang panlayag sa kahapon at ngayon

Paglingon habang Nagpapatuloy

Gaano katagal aking hihintayin? Gaano kalayo aking lalakbayin? Sa bawat luha ano ang napapala? Sa bawat pighati may kapalit bang ligaya? Kaya bang balikan mga bagay na naiwan? Di pa ba ito napinid sa kawalan? Tama ba ang ginawa? Ano ang mapapala? Sa bawat pag lipas ako ba'y may nakuha? Ang aking landasin ay tila madilim Biglang maaalala kung saan nanggaling Nagtanong sa sarili at naghihinaing Tayo na at magpatuloy sa dulo'y may piging. Bawat dusa at saklap susubukang kayanin. Tatawid sa dagat at bulubundukin. Muling babangon matapos humimbing Ang bagong umaga haharaping magiting